Heart of KJMP-Pop

Monday, January 10, 2011

Pag-Ibig

Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Mapagbiro ang tadhana
Kayraming mga katanungan
Patuloy pa ring hinahanap ang kasagutan
Sa buhay pag-ibig kakaiba ang nararamdaman
Masaya, malungkot, nagdurusa at nasasaktan.
Kayraming mga nais, gimik at iba pa
Sa iba’y baliw kung tawagin
Sa iyong nararamdaman para ipakita at ipadama ang iyong katapatan.


Pag-ibig, Pag-ibig, Pag-ibig
Ano ba talaga ang tunay na kahulugan?
Noon sa panahon ni Maria Clara
Ang pagmamahalan ng bawat isa’y
Wagas, dalisay at sagrado
Bawat paghawak sa kamay ng katipan
Nagbibigay kilig sa kanilang mga puso.



Sa panahon ngayon ay tunay na kakaiba
Mahal kita wala ng iba
Pangako nag-iisang ikaw lang sa aking puso
Paano ako maniniwala sa iyong salita
Kundi mo kayang patunayan sa iyong sarili
Sa takot na mawala ang minamahal
Puso’t kaluluwa’y ipinagkaloob
Kapalit ng pagpatak ng mga luha at pagsisi.



Saan ako nagkamali?
Saan ako nagkulang?
Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?
Anong nagawa kong kasalanan?
Pag-ibig, Pag-ibig, Pag-ibig
Ano ba talaga ang tunay na kahulugan?
Sa bawat oras at sandali
Ako’y masaya sa iyong piling
Mahal kita, iyon ang isinisigaw ng aking puso
Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba
Ang mahalaga tayo’y nagmamahalan.



Tunay na pagdating sa pag-ibig
Hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
Sa buhay pag-ibig
Hanap ng bawat isa’y
Tunay na kaligayan sa piling ng minamahal
At mag-iibigan hanggang sa dulo ng walang hanggan.



Sa buhay pag-ibig
May mga taong masaya, malungkot at nagdurusa
Meron din namang takot umibig na takot masaktan
At paglipas ng panahon ay 'di nila namamalayan
Napapag-iwanan na sila ng kalendaryo.



Kung ako ang inyong tatanungin
Ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng pag-ibig
Sa kabila ng sobrang pagmamahal ng karamihan
Ay nararanasan pang masaktan.

Ako, kapag natagpuan ko na ang aking mamahalin
Iisa lang ang maipapangako at aking tutuparin
Ang mahalin siya at pakamamahalin
Habang ako’y nabubuhay.

Ikaw kabayan, para sa 'yo
Ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?
Lagi lang tandaan
Huwag umasa, huwag magpaasa
Upang maiwasan na may masasaktan.

No comments: